Download DEKADA '70 PAGSUSURI PDF

TitleDEKADA '70 PAGSUSURI
File Size159.3 KB
Total Pages15
Document Text Contents
Page 2

Nobelista: Lualhati Bautista

Buong Pangalan: Lualhati Torres Bautista

Kapanganakan: Disyembre 2, 1946 sa Tondo, Maynila

Kasalukuyang Edad: 63 taong gulang

Ama: Esteban Bautista Sila ang naka-impluwensya kay Lualhati na maging manunulat dahil

Ina: Gloria Torres tinatangkilik nila ang composing, pagkanta at pagsulat ng mga tula.

Edukasyon: Emilio Elementary School (1958)

Torres High School (1962)

Lycum of the Philippines (1 taon lang sa kursong Journalism)

Trabaho: Nobelista; Manunulat sa pelikula at telibisyon

Karanasan: Siya ay naging bise presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines; pinuno ng Kapisanan
ng mga Manunulat ng Nobelang Popular; chair ng University of the Philippines Creative Writing Center (1986)

Parangal: - Catholic Mass Media Award para sa Sakada (una niyang screenplay noong 1976)

- Nominasyon sa Film Academy Awards para sa Kung Mahawi Man ang Ulap (1984, ika-2 pelikula)

- Star Awards at Metro Manila Film Festival para sa Bulaklak ng City Jail (1984, pinakamahusay)

- Don Carlos Palanca Memorial Award (grand prizes) noong 1980, 1983 at 1984 para sa mga
nobelang Gapo, Dekada '70 at Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?

- Recognition Award mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987

- Ateneo Library of Women’s Writings (ALIWW) noong Marso 10, 2004 habang idinaraos ang ika-8
Tanong Panayam sa Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika

Teoryang Pampanitikan:

Para sa akin ay iba’t ibang teorya ang maaaring iugnay sa nobelang Dekada ’70 dahil na rin sa layunin
nitong unti-unting gisingin ang kamalayan at kaalaman ng mga mambabasa sa bawat kabanata na nagpapakita
ng magkakaibang katangian sa bawat isa subalit nananatiling magkakaugnay. Ang mga sumusunod ay ilan sa
mga nakita kong teoryang pampanitikan na napapaloob sa nobela:

1. Teoryang Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay

binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

2. Teoryang Realismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda

sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo

sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang sinulat.

Page 7

- Siya ay nakatira sa isang subdibisyon ng Kamaynilaan; ina ng pamilyang nasa panggitnang uri; asawa ng
isang inhenyero; ‘mom’ ng limang anak na lalaki

- Bukas ang isip sa mga ideyang dala ng nagbabagong panahon; isang babaeng nakatatap sa kanyang identidad
bilang indibidwal sa panahong ang lipunang kanyang kinapapalooban ay dinadaluyong ng mga pagbabago;
tulad din ng maraming ina na nakatali na ang buhay sa pag-iintindi sa buhay ng kanilang anak

- Si Amanda ay maituturing na walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran sa unang bahagi ng
nobela subalit ‘di naglaon ay unti-unting napupukaw ang kanyang kuryosidad. Mula sa pagiging isang sunud-
sunuran at mahinhin na asawa ay natuto siyang maglabas ng nadarama at umunawa sa mga bagay-bagay.

2. Julian Bartolome Sr.

- Tunay na apo ng isang hasendero sa isang lugar sa Norte na may lahing Kastila, dugong mayaman at piyudal

- Mabuting lalaki kung ang sukatan ay ang perang idinadating niya; sitenta mil pesos (1952) ang bahay na
ipinatayo niya para sa pamilya

- Mula panganay hanggang bunsong anak, hindi niya sinubukang maglampin man lang o makipagtulungan sa
mga gawaing-bahay kahit na sa panahong nagbabawi pa ng lakas si Amanda, maid lagi ang solusyon niya o ang
mama

- Kailanma’y hindi nagbuhat ng kamay kay Amanda pero wala sa kanya ang suyo; naniniwala sa kasabihang
“It’s a man’s world!”

- Mapapansin na sa umpisa ng nobela ay tila maka-gobyerno, partikular na sa Amerikano, na sa tuwina’y
kadebatehan ni Jules ukol sa panlipunang isyu sa kadahilanang pilit niyang inilalayo ang kanyang mga anak sa
mga subersibong paniniwala na maaaring makapagpahamak sa kanila

- Maprinsipyong ama at lalaki sa tuwina ngunit sa bandang huli ay nakita rin ang kanyang itinatagong kahinaan,
para sa kanya, ngunit para kay Amanda ay siya niyang tunay na kalakasan

3. Julian Bartolome Jr. (Jules)

- Dahil unang anak ay itinuring ni Julian Sr. na ekstensiyon ng kanyang sarili kaya bininyagan ng Julian sa
panahon na ang usong pangalan ay mga Michael at Lawrence at iba pang pangalang kolonyal

- Noong nasa sekundarya pa lamang ay aktibo na sa mga campus activities; kumandidato at nanalo naman
bilang president ng student council

- Mulat na ang isipan ukol sa totoong nangyayari sa lipunan kahit na sa murang edad pa lamang, halimbawa ay
ang pagsali niya sa isang protesta ng mga drayber

- Sa kanya kadalasang nagmumula ang mga isyung pulitikal at kapuna-punang siya ay may sariling
paninindigan, malakas ang loob at tunay na makabayan kahit na kadalasa’y sinasalungat niya ang mga
paniniwala ng amang si Julian

Page 8

4. Isagani Bartolome (Gani)

- Bilang konsolasyon kay Amanda sa pagkabigo niya na maging babae naman ang pangalawang anak ay
isinunod ni Julian Sr. sa pangalan ng paborito niyang pinsang namatay sa tungkulin bilang pulis

- Napasali sa exchange visitors program sa pagitan ng Amerika’t Pilipinas at gumugol ng ilang buwang pag-
aaral sa California

- Maagang namulat ang isipan hindi sa kalagayan ng lipunan kundi sa mga bagay na may kaugnayan sa
pakikipagrelasyon sa ‘opposite sex’ kaya naman maituturing na mapusok at marupok si Gani sa kadahilanang di
pa man siya nakakapagtapos ng pag-aaral ay nakadisgrasya na siya. Bunga nito, kinailangan niyang pakasalan
ang babae upang di makasuhan at masabihang nang-aagrabyado.

- Kabaligtaran siya ni Jules sapagkat siya ay may kolonyal na pag-iisip, patunay na ang pagpasok niya sa US
Navy at pagka-base sa San Diego na naging dahilan ng paghihiwalay nila kaagad ni Evelyn, sanhi ng ‘long-
distance relationship;’ iniisip niya ring naroroon lang ang malaking oportuninad na umasenso na mariing
kinronta ni Jules

5. Emmanuel Bartolome (Em)

- Ibig sabihin ng pangalan ay ‘tagapagligtas;’ nanalo sa spelling bee contest; nagkuwento kay Elizabeth na anak
ni Aling Dora kung paano nabuntis ang pusa na si Rose; pinakamatalino sa limang ng magkakapatid; maraming
seminar na ang nadaluhan

- Ipinapabatid lamang na siya ay may kamulatan na rin at may pagkakatulad sila ni Jules ng paniniwala sa
aspetong pulitikal subalit siya ay sa ‘paraang-Rizal’ ang ginamit na estilo samantalang si Jules ay ‘paraang-
Bonifacio’

6. Jason Bartolome (Jason)

- Napalaban sa suntukan at sa isyung paano lumulundag ang tipaklong; ang kakulangan bilang estudyante ay
natatakpan ng mga katangian niya bilang anak – siya ay nang-hijack ng mga bulaklak sa bakod ng may bakod
para ialay kay Amanda isang Mother’s Day; naniniwalang pusa ang pinaka-paboritong hayop ni Amanda,
samakatuwid siya ay mapagmahal at ‘sweet’ na anak kahit na lalaki

- Siya ay maituturing na bulakbol sa pag-aaral, ‘happy-go-lucky,’ at pasaway sa limang magkakapatid,
namumukod-tangi subalit pinaka-paborito pa rin ni Julian di man niya tuwirang sabihin

- Nabarkada at katagala’y lagi nang gabi kung umuwi sa kanila; nahulihan umano ng marihuwana ng mga pulis
kaya nakulong pero di na siya nakauwi sa kanila dahil siya’y napag-alamang sinalvage na pala

7. Benjamin Bartolome (Bingo)

- Ibig sabihin ng pangalan ay ‘huling anak na lalaki’

- Malapit sa kanyang Kuya Jules ngunit katagalan ay nawalan na ito ng panahon sa kanya

- Habang lumalaki’t nagkakaisip ay nabubuksan na rin ang kamalayan sa nangyayari sa kanyang mga magulang
at kuya; pilit na inuunawa na lamang sa tahimik na pamamaraan ang mga bagay na tila banyaga pa sa kanya

8. Willy

Page 14

3. Pagkakaiba nina Jules at Gani ng Panig

- Parang napaka-ironic kasi si Jules NPA, makabayan at anti-government/American tapos si Gani naging US
Navy, nadestino sa ibang bansa at doon na talaga nanirahan, in short parang gatas at kape ang pagkakaibe ng
kanilang mga pninindigan. Ipinapakita lang nito na noong panahon ng batas militar ay kahit na mismong
magkapatid ay nagiging magkalaban, nagkakasakitan, nagkakaaptaayan at yan ang kinakatukan ni Amanda.
Mabuti na lamang at hindi na rin nagpulis si Bingo dahil baka maging PC-Metrocom siya at makalaban pa si
Jules sa isang welga.

4. Paraan ng Pagkamatay ni Jason\Kinahinatnan

- Ang nangyaring ito kay Jason ay hango pa talaga sa totoong buhay, kay Boyet na natagpuang patay sa likod
ng Ramada Hotel – labimpito ang saksak niya, tagos sa baga ang iba, tuhog pati puso, may marka ng itinaling
alambre sa pulso niya, talop halos ang siko, tastas pati hita’t tuhod, basag pati bayag. Ipinaparating lamang nito
ang napakaraming nangyayaring kawalang-hustisya noon pa man na hanggang ngayon ay patuloy na dumarami
ang biktima. Ito ay maaari na ring dahil sa patuloy na paghihirap ng ating kalagayan sa buhay kaya maraming
napipilitang kumapit sa patalim.

H. Paglalapat

Talaga nga namang napakaraming naiambag ng Dekada ’70 sa aking kamulatan. Nabuhay ang aking
damdaming nasyonalismo dahil sa impluwensya ni Jules na kahanga-hanga ang pagmamahal sa lipunan.
Nabuhay din ang aking pagpapahalaga sa pamilya na kahit na nga hindi ganun kaganda ang aming samahan ay
kahit napapaano ay nabatid kong kami-kami rin ang magdadamayan sa lahat ng unos ng buhay. Kami-kami rin
pala ang talagang dapat na umunawa sa isa’t isa dahil makikita dito ang klase ng lipunan ng iyong ginagalawan.

Para naman sa ating ‘Perlas ng Silanganan,’ nagsisilbi itong hamon sa tanang mamamayang Pilipino na
nawa’y huwag sayangin ang dugo’t pawis na inialay ng dating pilit na kinalaban ang mapang-abusong epekto
ng masalimuot na lipunan sa ilalim ng batas-militar.

I. Dugtungan

- Bilang mag-aaral sa Filipino ay napag-alaman kong hindi lamang sa Araling Panlipunan higit na
mauunawaan ang kasaysayan o mga dating pangyayari sa isang lipunan. Dahil maging ang asignaturang ito,
Filipino, ay maaari rin palang maging mas higit na kawili-wili ang dating ng kasaysayan, tulad ng Dekada ’70.
Labis-labis ang naging kagalakan ko at naabutan ko pa ang taon ng simula ng pag-aaral ng mga akda ni Lualhati
Bautista, ang mapangahas na manunulat ng Pilipinas.

- Sa nobelang ito, lalong sumidhi ang pagka-Pilipino ko dahil ipinakita ng Dekada ang mga bagay-bagay
na parehong katangi-tangi at di kaaya-aya sa ating Inang Bayan. Anupa’t mismong mga tao nito, tayong mga
Pilipino ay may paninindigang di mabibili ninuman, kahit na ang pinakamakapangyarihan sa tanang bansa na
Amerika. Tandaan, ang Pilipinas ay para sa ‘ting mga Pilipino at ang Amerika’y para sa Amerikano kaya
walang silang karapatang angkinin ang lupain ng Perlas.

Similer Documents